Mga Suspek sa Pagpatay sa Hepe ng PNP Mallig, Nadakip Na!

UPDATE: Nadakip na ng kapulisan ang mga suspek sa pagpatay kay Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaṅa, ang hepe ng PNP Mallig ganap na alas diyes kaninang umaga sa Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga matapos isagawa ang hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Tabuk at mga operatiba ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, Kinilala ang dalawang suspek na pawang mga traysikel drayber na sina Warren Bulawit, disi nuwebe anyos, residente ng Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga at isang menor de edad na itinago sa pangalang “Bugoy”, disi syete anyos at residente naman ng Brgy. Ipil Malidda, Tabuk City, Kalinga.

Magugunita na napatay si PSI Tubaṅa matapos barilin ng dalawang suspek sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng PNP Mallig sa Brgy. Centro Uno, Mallig, Isabela kagabi.


Samantala, Nakatakdang iprisinta ngayong araw kay PNP Regional Director PCSUPT Jose Mario M. Espino ang dalawang suspek at dadalhin sa IPPO para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments