HIWALAY NA? | Ali Khatibi – nagdiwang ng Father’s Day kasama si Amarah sa gitna ng isyung hiwalay na sila ni Cristine Reyes

Manila, Philippines – Mas naghihinala ngayon ang netizens na posibleng totoo nga ang bali-balitang hiwalay na ang mag-asawang sina Ali Khatibi at Cristine Reyes.

Sa larawang ibinahagi ni Ali sa Instagram, magkasama sila ng anak na si Amarah pero kapansin-pansin na wala si Cristine.

May caption lang ito na “Date Night With Daddy” na mistulang Father’s Day celebration ng mag-ama.


Ilang followers ang nanghihinayang umano habang ang iba ay bumati na lang ng Happy Father’s Day sa mixed martial arts fighter.

Sa pinakahuling public appearance ni Cristine noong May 20, sinabi niyang dedma lang siya sa espekulasyon ng netizens pero tumanggi nang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni ali.

January 2016 nang ikasal sina Ali at Cristine.

Facebook Comments