Mga suspek sa pananambang sa isang prosecutor sa Oriental Mindoro, patay sa engkwentro

Patay sa engkwentro sa Barangay Sapul, Calapan City, Oriental Mindoro ang dalawang suspek sa pananambang kay Provincial Prosecutor Josephine Capio Caranzo kaninang madaling araw.

Ayon Police Brig. Gen. Tomas Apolonario, hepe ng Police Regional Office 4B ang nasawing mga suspek ay sina Robert Magboo at Edeper Hindap Gran.

Sinabi ni Apolinario, natunton nila ang hide out ng mga suspek matapos isumbong sila ng isa pang suspek na una nilang naaresto noong June 14.


Anya, naaresto si Jovena Sena Umali na siyang may ari ng pulang motor na getaway vehicle ng mga suspek na tumakas matapos mamaril kay Atty.  Caranzo.

Nahagip kasi ito ng CCTV sa lugar.

Nakuha naman sa motor ng suspek ang 2 helmet at kalibre 45 na ginamit sa pamamaril kay Caranzo na naisumite na rin sa Regional Crime Laboratory Office para sa ballistic at cross matching examination.

Sinabi naman ni Apolinario na posibleng may kinalaman sa mga kasong hinahawakan noon ni Caranzo ang motibo sa pananambang dahil aminado ang biktima na noon ay may mga nakainitan ito.

Nitong June 10 nang tambangan ng mga suspek si Atty. Caranzo, maswerte namang nakaligtas sa pananambang si Atty. Catanza at ngayon ay patuloy na ginagamot.

Facebook Comments