MANILA – Tiniyak ni Senador Chiz Escudero na sa ilalim ng ‘Gobyernong May Puso’ ay makukuha ng Palawan ang parte nito sa bilyun-bilyong pisong kinikita ng gobyerno mula sa Malampaya Natural Gas Project.Ayon kay Escudero, malaking tulong kung mababahaginan ang palawan ng Malampaya Fund para matustusan ang mga bagong proyektong pang-imprastraktura at serbisyo kaugnay ng lumalagong industriya ng turismo sa lalawigan.Nabatid na mula 2009 pa ay ipinaglalaban na ng lalawigan ng palawan na mapunta sa kanila ang 40 porsyento ng Malampaya royalty na batay sa probisyon ng Local Government Code.Pero hindi ito kinikilala ng pambansang pamahalaan sa paniniwalang hindi sakop ng lalawigan ang lugar kung saan nakatayo ang Malampaya project.Kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema ang kaso kaugnay ng usapin ng Malampaya royalty.Hanggang noong Abril 30, 2015, iniulat ng Bureau of Treasury na may nakalagak na P168 bilyon sa ilalim ng Malampaya fund mula sa P210 bilyong na-remit sa pambansang pamahalaan mula sa proyekto.
Mga Taga-Palawan, Makikinabang Sa Malampaya Fund Ayon Kay Senador Chiz Escudero
Facebook Comments