Iloilo, Philippines – Nagsagawa ng prayer rally ang mga taga-suporta ni Mayor Jed Patrick Mabilog sa labas ng city hall kagabi.
Kasunod ito ng isinagawang pag-inspection ng NBI sa bahay ni Mayor Mabilog sa barangay tap-oc sa distrito ng Molo base sa utos ni Pangulong Duterte na isailalim ito sa lifestyle check dahil sa pagkakaroon umano ng palasyong bahay.
Daan-daang supporters ni Mabilog ang boluntaryong pumunta ng Plaza Libertad at nakiisa sa prayer rally.
Una rito, isang misa ang ginanap sa san Jose Parish Church malapit sa city hall at pagkatapos ay nagtipon-tipon na sa labas ang mga taga-suporta ng alkalde at nagdasal para sa kapayapaan ng lungsod sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng Iloilo City.
Matapos ang prayer rally sa Plaza Libertad, dumiretso naman ang ilan sa mga supporters ni Mabilog sa bahay nito at doon naman nagsagawa ng prayer vigil para matiyak ang seguridad ng alkalde at pamilya nito.