Ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na tuloy-tuloy pa rin ang targeted mass testing sa kanilang mga residente.
Ngayong may banta ng mas nakakahawa at mas delikadong Delta variant ay mas hinihikayat ang mga residente na magpa-test na ng libre sa lungsod.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, basta’t pasok sa categories na pwedeng magpa-test tulad ng mga may COVID-19 symptoms, nagkaroon ng contact sa isang pasyenteng positibo sa virus at sumailalim sa medical procedures ay pasok para magpa RT-PCR.
As of August 2021, sa 665,103 na populasyon sa Valenzuela, nasa 92,513 na ang naisailalim sa test mula nang magsimula ang targeted mass testing sa lungsod noong March 2020.
Ang numerong ito ay katumbas ng 14% ng populasyon ng syudad.
Facebook Comments