MANILA, PHILIPPINES – Nagbabala ang Civil Service Commission na parurusahan ang mga tatamad-tamad at lakwatserong kawani ng gobyerno.
Sa inilabas nilang Memorandum Circular 1 series of 2017, sinabi ni CSC Chair. Alicia Dela Rosa-Bala, hindi pinapayagan ang madalas na pag-absent at paglalakwatsa sa oras ng trabaho.
Aniya, kailangang sumagot ng form na magsisilbi nilang daily time record ang mga naka-assign sa labas ng kanilang tanggapan habang ang mga head ng ahensya at iba pang Presidential appointee ay kailangang i-record ang kanilang attendance at absent kahit hindi na sila kailangang mag-bundy clock.
Muli ring nagbabala ang CSC na ang pamemeke o anumang uri ng iregularidad sa attendance record ay may kaakibat na parusang administratibo at kriminal.