Pagiitingin ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield ang police visibility sa mga tambayan sa mga barangay na nakakaabala sa mga online learners.
Ito ay sa harap ng pagsisimula ngayong araw ng online classes para sa mga public schools nationwide.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, may presenya ng mga pulis sa mga kalsada para sawayin ang mga maiingay na tambay para hindi makaistorbo sa mga estudyante na nag-aaral sa bahay.
Nakipag ugnayan na rin ang JTF COVID Shield sa mga Local Government Unit (LGU) para istriktong maipatupad ang mga ordinansa katulad ng pagbabawal na pag-iinuman sa labas ng bahay o kanto, pagbabawal sa pagbi-videoke lalo na sa oras na may online classes.
Giit ni Eleazar, kailangan nila dito ang tulong ng mga barangay officials para matulungan ang mga online learners na makapag-focus sa kanilang pag-aaral kahit nasa bahay lang.