Mga Tanggapan ng LTO Region 02, Sarado pa rin!

Cauayan City, Isabela- Wala pang eksaktong araw kung kailan magbubukas ang mga tanggapan ng Land Transportation Office sa Lambak ng Cagayan.

Ito ang sinabi ni Ginoong Manny Baricaua, Administrative Officer ng LTO Region 02 sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Aniya, hinihintay pa lamang ang petsa o schedule kung kailan muling magbabalik ang transaksyon ng nasabing tanggapan.


Gayunman, pinaghahandaan na ang anumang araw ng pagbabalik operasyon ng LTO sa rehiyon.

Mayroon na rin nakahandang mga polisiya mula sa Inter Agency Task Force kaugnay sa COVID-19 na ipapatupad sa oras na magbubukas na ang kanilang tanggapan.

Paalala naman nito sa mga namamasada na obserbahan pa rin ang mga protocols para makaiwas sa sakit na COVID-19 gaya ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa social o physical distancing.

Facebook Comments