Bawal mag-leave sa loob ng tatlong linggo ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Lenten Season.
Ito ay mula sa March 24 hanggang April 15.
Partikular na hindi papayagan ang vacation leaves, at applications for authority to travel abroad ng sino mang Immigration personnel na naka-assign sa seaports at airports.
Layon nito na maiwasan ang mahabang pila sa Immigration counters.
Sa harap ito ng inaasahang lalo pang pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa hindi lamang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals kundi maging sa Mactan, Clark at Kalibo International Airports.
Magugunitang ilang mga pasahero na ang naiwan ng eroplano patungong iba’t ibang bansa dahil sa mahabang pila sa Immigration counters sa NAIA.
Facebook Comments