CONSTRUCTION WORKER PATAY SA PANANAKSAK SA SAN CARLOS CITY

Patay ang isang bente-siyete anyos na construction worker matapos itong saksakin sa san Carlos City.
Nakilala ang biktima na si Rico Jay Soriano residente ng Brgy. Malacanang sa nasabing lungsod.
Naganap ang pananaksak pasado ala una ng madaling araw habang kumukonekta sa wifi sa bahagi ng Malacanang Elementary School ang biktima ng lapitan ng dalawang lalaki.

Nagkaroon pa ng mainitang pagtatalo ang mga ito hanggang sa bigla na lang pagsasaksakin ang biktima.
Nagtamo ito ng apat na saksak sa kanyang katawan at naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Lumang alitan ang tinitignan sa posibleng motibo ng pananaksak habang patuloy pa din inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments