MANILA – Isinailalim na sa restrictive custody ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 na nagsagawa ng operasyon sa selda ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.Ayon kay PNP Region 8 Director Chief Supt. Elmer Beltejar, iniimbestigahan na nila ang ilang kwestyunableng galaw sa operasyon ng CIDG.Una na aniya rito ang hindi pagreport sa kaniya maging sa Provincial Director ng Leyte ng tungkol sa operasyon.Una na kasing iginiit ng mga tauhan ng CIDG Region 8 na isisilbi lang sana nila ang search warrant dahil nagbebenta umano ng ilegal na droga si Espinosa at ang kapwa inmate nito na si Raul Yap sa loob ng kulungan nang manlaban ang dalawa.Dagdag pa ni Beltejar, hindi rin nakipag-coordinate ang CIDG sa hepe ng Baybay City Police kung saan nag-iwan lang sila ng papel sa desk officer ng istasyon.Dapat kasi aniya ay kasama ang mga local police sa lahat ng gagawing operasyon.Bukod rito, tinitignan rin aniya nila ang oras ng raid gayung nasa selda lang noon sila Espinosa.Dagdag pa ni Beltejar, iinalam na rin nila ang dahilan kung bakit pinaalis ng CIDG ang mga jail warden sa area ng mga selda.Maliban pa rito aniya ang pagkawala ng CCTV footage sa selda ng alkalde.
Mga Tauhan Ng Cidg Region 8, Isinailalim Na Sa Restrictive Custody
Facebook Comments