Mga tauhan ng PNP Aviation Security Group, nanatili sa mga entrance ng NAIA terminals kaugnay ng mahigpit na seguridad sa departure ng ASEAN leaders

33

Manila, Philippines – Naka kalat pa rin sa mga entrance ng NAIA terminals ang mga tauhan ng PNP Aviation Security Group bilang bahagi ng mahigpit na seguridad na pinaiiral sa departure ng ASEAN leaders.

Kanina ay sunud sunod na lumipad ang eroplano na sinakyan ng mga umalis na heads of states.

Unang umalis ang lider ng Thailand at sumunod ang Timor Leste, New Zealand at ngayong alas nuwebe ay ang pinuno ng Singapore.

Nakatakda rin ang departure ngayong umaga ng mga pinuno ng Myanmar, Cambodia,South Korea at Japan

Bukas naman ng umaga ang departure ni Chinese Prime Minister Li Keqiuang matapos itong mag extend para sa official visit sa Pilipinas.

Samantala, kinansela ng Cebu Pacific ang flights nito patungong Butuan at pabalik ng Maynila dahil sa masamang panahon sa nasabing lugar.

Partikular na kanselado ang 5J 785 at 5J 786 o Manila-Butuan-Manila

Facebook Comments