Mga telcos, nagbigay ng libreng tawag at charging stations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Paeng

Nagkaloob ng serbisyo ang mga telecommunications companies na libreng tawag at naglagay rin ng charging stations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Paeng.

Inilagay ng Globe Telecom ang kanilang ‘free call’ at ‘charging stations’ sa may Santa Monica Parish Church sa Capiz at sa harap ng isang grocery store sa Boac, Marinduque.

Naibalik naman na ng Globe ang kanilang serbisyo para sa tawag, text at data connectivity sa Metro Manila, Laguna, Palawan, Masbate at Western Samar.


Malapit na ring maibalik sa 100% ang serbisyo ng telco sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Palawan, Sorsogon, Bohol, Guimaras, Leyte, Negros Oriental, Northern Samar, Siquijor, at Southern Leyte habang kasalukuyan na ring ibinabalik ang serbisyo sa Cavite, Quezon, Marinduque, Romblon, Aklan, Antique, at Capiz.

Samantala ang PLDT Inc., at Smart Communications Inc., ay naglagay naman ng kanilang ‘free calls’ at ‘charging stations’ sa Haring Barangay Hall sa Canaman, Camarines Sur at himpilan ng PLDT-Smart sa Rebuken sa Sultan Kudarat at RSU sa Maguindanao.

Facebook Comments