16, patay sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa Calabarzon

Aabot sa 16 indibidwal ang nasawi sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Pito sa mga nasawi ay mula sa Quezon; apat mula sa Batangas; tatlo mula sa Cavite, at dalawa naman mula sa Laguna.

Ayon sa mga awtoridad, siyam sa kanila ay namatay dahil sa pagkalunod, habang dalawa naman ang nakuryente.


Dagdag pa, ang iba naman ay nabagsakan ng gumuhong lupa, konkretong pader at natumbang puno ng niyog.

Nabatid na batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay 98 na ang naitalang namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng, habang mahigit 60 naman ang nawawala.

Facebook Comments