Mga testigo sa ninja cops issue, pinapakunan na ng testimonya at pinabibigyang proteksyon ng isang senador sa DOJ

Iginiit ni Senator Richard Gordon sa Department of Justice o DOJ na kunan na ng testimonya at bigyan ng proteksyon ang tatlong pulis at brgy officials na mga testigo sa kontrobersyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

 

Ayon kay Gordon, tinawagan niya mismo si Justice Secretary Menardo Guevarra hinggil dito.

 

hindi inaalis ni Gordon ang posibilidad na takutin o manganib ang buhay ng nabanggit na mga testigo.


 

Kabilang sa mga nais ni Gordon na maproteksyunan ay ang tatlong Mexico, Pampanga Police na sina Staff Sergeants Jerome Bugarin, Marlon dela Cruz, at Jackson Mariano, at mga barangay officials na nakasaksi sa drug raid at pag-aresto sa umanoy dayuhang drug lord na si Johnson Lee.

 

Lumabas sa pagdinig ng senado na sa nabanggit na raid ay pinalaya umano si Lee kapalit ng 50-million pesos.

 

Bukod dyan ay nirecycle umano ng 13 ninja cops ang malaking bahagi ng mahigit 200-kilong shabu na kanilang nasabat.

Facebook Comments