Mga Tokhang Responders sa Tumauini, Isabela, Patuloy na Sumasailalim sa CBRP!

Tumauini, Isabela- Patuloy paring sumasailalim sa Community Based Rehabilitation Program ang nasa 192 na mga tokhang responders sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Noel Gumaru, ang Deputy Chief of Police ng PNP Tumauini sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon, Hulyo 14, 2018.

Aniya, mayroon umanong kabuuang bilang na 232 na mga tokhang responders sa kanilang bayan ngunit karamihan sa mga ito ay patay na, mga nakapiit sa kulungan at mga nasa ibang lugar na kaya’t 192 umano dito ay kasalukuyan ng sumasailalim sa CBRP na nakatakdang magtapos bago matapos ang taong 2018.


Dagdag pa niya, mula umano sa 46 na barangay sa kanilang bayan ay nasa 28 barangays ang drug affected, 15 barangay naman ay idineklara ng drug cleared, at isa mula rito ang drug free.

Sa ngayon ay patuloy parin umano sila sa pag momonitor sa mga tokhang responders upang masigurong ang mga ito ay nagbabagong buhay na habang kung mayroon naman umanong mga pasaway na bumabalik at mga bagong mahuhuli ay handa nilang ipataw ang kaukulang kaparusahang nararapat para sa mga ito.

Kumpyansa naman si PSI Gumaru na magtatapos ang mga tokhang responders sa kanilang bayan bago matapos ang taon kayat mas lalo pa nilang mapagtutuunan ito ng pansin lalo na at wala namang mga mabibigat na insidenteng nagaganap sa kanilang bayan bukod sa mga insidente sa kalsada.

Facebook Comments