Manila, Philippines – Hindi aarmasan ang mga traffic enforcer sa lungsod ng Maynila.
Ito ang nilinaw ng Manila City Government kasunod ng mga suhestiyon na may kinalaman sa pangha-harass ng ilang motorista sa mga traffic enforcer.
Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau Chief Dennis Alcoreza – malaking responsibilidad ang pagbibitbit ng baril lalo’t kailangang mentally at emotionally fit muna ang isang indibidwal bago ito maging kwalipikado na magkaroon ng baril.
Aniya, baka lalo lang magkaroon ng problema kung ipatutupad ang nasabing suhestiyon.
DZXL558
Facebook Comments