BIFF member na bomb expert, patay sa sagupaan sa Maguindanao

Maguindanao, Philippines – Napatay ng pulisya ang isa sa matataas na miyembro ng bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si Murad Ali alyas “Kumander Abu Mohammad”, miyembro ng Intelligence Unit ng BIFF at isang bomb expert.

Ayon kay Sr/ Supt. Agustin Tello ng Maguindanao Police Provincial Office – magse-serve sana ng search warrants ang otoridad sa bahay ni Ali nang bigla umano silang paputukan ng suspek.


Ang search warrants ay ihahain dahil sa pinaniniwalaang pag-iingat nito ng mga armas at iligal na droga.

Naaresto naman sa operasyon ang ilang kasamahan ni Ali habang nakumpiska sa hideout nito ang isang ingram machine pistol, granada, mortar at mga bomb-making material.
DZXL558

Facebook Comments