Mga tren na gagamitin sa North-South Commuter Railway Project, mas maganda pa sa Shinkansen ng Japan

Mas mahusay pa kaysa sa Shinkansen o bullet train ng Japan ang mga magiging tren ng north-south commuter railway.

Ito ay matapos pirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang dokumento para sa procurement ng 13 trainsets para sa proyekto.

Bawat trainset ay binubuo ng walong bagon na kayang magpasakay ng 2,200 pasahero.


May maximum speed ito ng 120 kilometers per hour.

Ang dating 90 minutong biyahe mula Malolos, Bulacan patungong Tutuban sa Maynila ay magiging 30 minuto na lamang.

Sa tulong din ng Japanese technology, magiging calamity-resilient ang railway system.

Target maging partially operational ang first phase ng proyekto: Bulacan-to-Tutuban sa 2022.

Facebook Comments