Tuesday, March 17, 2026

MGA TRICYCLE DRIVER AT OPERATOR SA ALAMINOS CITY, PINULONG UKOL SA PAGPAPATUPAD NG PATAS NA PAMASAHE

Pinulong ng Transportation Regulation Unit ng Alaminos City ang mga tricycle driver at operator upang talakayin ang pagpapatupad ng patas na pamasahe sa lungsod.

Dumalo sa pulong ang mga miyembro ng 100 Islands TODA Federation at FACPTODA na ginanap sa Plaza Enrique Braganza kung saan inalam ng tanggapan ang kanilang opinyon at mungkahi hinggil sa tamang pamasahe para sa sektor ng tricycle operators at drivers.

Kasunod nito, inimbitahan din ang lahat ng TODA na dumalo sa Associations, Cooperative, and Transport Night na gaganapin sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Pinayuhan din ang mga dumalo na isumite ang tamang pangalan ng mga operator at driver ng kani-kanilang TODA bilang paghahanda sa pagsumite ng listahan ng mga maaaring makatanggap ng fuel subsidy para sa mga tricycle driver. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments