MGA TRUCK SA BENGUET, KAILANGANG SUMUNOD SA "NO TOUCHDOWN POLICY"

Benguet, Philippines – Obligado ang mga truck na nagkakarga ng chicken dung at mga truck na magdidiliver ng mga fresh products papuntang La Trinidad Trading post o manggagaling NCR ang pagsunod sa “No Touchdown Policy” para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 kung saan-saan.

Ang “No Touchdown Policy”  ay ayon sa Executive order no.14 ay ang pansamantalang hindi pagpapababa ng mga driver o mga pahinante ng mga truck kapag umabot na sila sa mga “no touchdown areas” para proteksyunan at maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa lugar.

Kasalukuyan naman binuksan muli ang Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) pero mas naging maingat at istrikto na ang lugar sa pagsasagawa ng mga health protocols tulad ng mano-manong pagtatala ng mga pumapasok sa lugar, temperature scanning, dapat ay may gate pass ang mga papasok at tatatakan nila ang mga maglalabas pasok sa lugar. 


Facebook Comments