Mga Tsuper, Nagsisilbing Mata ng isang Pulisya sa Pagsugpo ng Krimen!

Cauayan City, Isabela- Nagiging katuwang ngayon ng PNP San Guillermo, Isabela ang mga traysikel drayber sa pagresolba at pag-iwas ng krimen sa naturang bayan.

Ito ang ibinahagi ni PMaj. Mariano Marayag Jr, hepe ng pulisya sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Matagal na aniya na may organisasyon ang mga traysikel drayber ng San Guillermo o SG TODA na nagsisilbing mata o taga sumbong ng pulisya sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente sa daan upang agad na marespondehan ng kapulisan.


Ayon kay PMaj. Marayag, malaki aniya ang maitutulong ng mga tsuper dahil sila umano ang kadalasang nasa lansangan na agad makakapagbigay ng impormasyon sa pulisya kung may aksidente o magsisilbing witness sa mga krimen.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang kanilang pagpapatupad ng Project LOVELIFE lalo na ngayong nalalapit na anihan upang maiwasan ang anumang aksidente sa daan.

Samantala, seryoso rin aniya ang kanyang mandato sa pagpapatupad ng ‘No Take Policy’ o pagbabawal sa lahat ng kapulisan na masangkot sa anumang iligal na gawain.

Facebook Comments