Mga tulay at kalsadang hindi madaanan dahil sa Bagyong Kristine, nabawasan – DPWH

Nabawasan na ang mga kalsada at tulay na hindi madaanan ngayon dahil sa Bagyong Kristine.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), mula sa 30 kahapon ay 27 na lamang ngayon ang road sections na sarado sa mga motorista.

Apat dito ang naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR), dalawa sa Region II, at may 21 sa Bicol region.


Ang mga naturang kalsada ay nasira o hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa, pagbaha, mga bumagsak na puno, rockslides at bumigay na tulay.

Sampung kalsada naman ang bahagya lamang nadaraanan dahil sa gumuhong lupa, nasirang daanan at pagbaha.

Ayon sa DPWH, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon lalo na sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyo.

Facebook Comments