Labing-walong senatorial bets sa nakalipas na halalan ang humabol sa paghahain ng kanilang statement of contributions and expenses (SOCE), sa Commission on Elections (COMELEC) .
Limampung party-list groups din at tatlong national political parties ang naghain ng kanilang SOCE ngayong araw na itinakdang deadline ng komisyon.
Lumalabas naman sa kanyang inihaing SOCE na hindi tumanggap ng ano mang campaign contribution si Sen Cynthia Villar.
Sa SOCE naman ni Senator-elect Bong Go, lumalabas na 161-million pesos na campaign contribution lamang ang nagastos nito mula sa 162-million pesos na kontribsyon.
Lumalabas din sa talaan ng COMELEC na ang mga naunang nanalong senador na maagang nakapagsumite ng kanilang SOCE noong June 11 ay sina Villar at Sen Nancy Binay.
Ang mga nanalo namang kandidato ay maaari pa ring maghain ng kanilang SOCE sa loob ng anim na buwan mula sa kanilang proklamasyon subalit hindi sila maaaring makapagsimulang manungkulan sa June 30.
Sampung libong piso naman ang multa sa mga nanalong senador at party-list na mabibigongbmaghain ng SOCE ngayong araw na ito.