Padadalhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na padadalhan nila ng demand letter ng ang mga pamilyang nakatanggap ng dobleng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, may kakayahan ang pamahalaan na malaman kung doble ang tinanggap na tulong mula sa gobyerno ng isang pamilya.
Kapag nakakuha na aniya ng ayuda mula sa DSWD, dapat ay tanggihan na ang tulong pinansiyal mula sa Social Security System (SSS) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil dito, paalala ni Malaya sa mga nakatanggap ng dobleng ayuda na makakabuting isauli na lamang ang pera para maibigay sa ibang pamilya na hindi pa naaabutan ng tulong.
Hindi aniya mangingimi ang gobyerno na tuluyang kasuhan ang mga indibidwal na tatanging magbalik ng financial aid.