Naipamahaging cash aid ng pamahalaan, umabot na sa 98.1 bilyong piso

34

Umabot na sa P98.1 bilyon ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 7.3 milyong benipisrayo ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon Kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, katumbas ito ng 96.89 percent ng 17.9 milyon na target beneficiaries ng sap.


Aniya, nasa 1,250 Local Government Units (LGUs) na rin ang nakaabot sa 100 completion rate sa pamamahagi ng cash aid.

Habang mayroon na aniyang 462 LGUs ang nakapag-sumite na ng kumpletong liquidation report sa implementasyon ng programa.

Facebook Comments