Mga Turista tatakas papuntang Baguio City

Baguio, Philippines – Inaasahan na naman ang pag dagsa ng mga tao dito sa Baguio City dahil sa ASEAN Summit na kung saan mahaba habang bakasyon na naman ang ating mararanasan, kaya asahan na naman ang matinding traffic. Dahil sa ASEAN Summit, magkakaroon ng long weekend na kung saan walang pasok mula November 13-15 sa Manila, Bulacan at Pampanga. Kaya naman Paalala din sa mga turista na bibiyahe paakyat ng Baguio City o kung saan man kayo mag babakasyon na mag ingat sa madulas na daan dahil nananalasa pa din ang bagyong SALOME sa ating (PAR) Philippine area of responsibility.

Ayon sa PAG-ASA naka taas pa din ang Public Storm Warning Signal #2 sa Central Luzon. Bagamat walang naka taas na signal dito sa Baguio City asaahan pa din ang kalat kalat na pag ulan, kaya naman nag uumpisa na din ang pagka buhol buhol ng mga sasakyan sa daan ng session road.

Paalala sa mga turista na bibiyahe na i-check ang mga breaks at kundisyon ng inyong mga sasakyan at mag-ingat dahil madulas ang daan.


Ikaw bes, anong balak mo ngayong long weekend?

Facebook Comments