Mga umuwi ng probinsya, dagsa na pabalik ng Metro Manila

Unti-unti nang bumubuhos ang mga bakasyunista pabalik ngayon ng Metro Manila matapos ang holiday season.

Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Coast Guard Public Affairs Office Deputy Commander Lt. Jr. Grade Maricel Boriol – umabot na sa mahigit 34,000 na ang naitalang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa bansa sa nakalipas na magdamag.

Aniya, mula alas 6:00 kagabi hanggang alas 6:00 kaninang umaga, nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 34,848 na outbound passengers sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.


Naitala ng coast guard ang maraming bilang ng mga pasahero sa southern tagalog, sinundan ng Northern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, South Eastern Mindanao at National Capital Region.

Magpapatuloy ang monitoring ng coast guard sa mga bumibiyaheng pasahero dahil marami ang magsisiuwian matapos ang pagsalubong sa bagong taon.

Facebook Comments