Maaring mag-aral ng libre ang mga balik bansa na Overseas Filipino Workers (OFW) sa ilalim ng technical vocational education and training (TVET) programs, ayon sa isang mambabatas.
Pahayag ni ACT OFW Congressman John Bertiz, malaking tulong para sa mga kababayan natin ang Technical Education and Skills Development Authority. Siguradong magagamit nila ang matutunan sa nasabing programa para sa kasalukuyang trabaho.
“In the TESDA website, returning OFWs can search for a new skill that they want to learn, and also find online the nearest school that offers the desired program for free.”, dagdag ni Bertiz.
Paglilinaw ni Bertiz, hindi lamang sa mga pampublikong unibersidad walang matrikulang babayaran.
“Actually, tuition and other fees are now free not just in state universities and colleges, but also in government-run TVET institutions and even TESDA-registered private schools,” sagot ng kongresista.
Narito ang vocational courses na puwedeng kuhanin ng mga OFW at kanilang kamaganak:
- Aircraft maintenance and technology
- Agricultural crops production
- Animal health care and management
- Animal production
- Animation and 3D animation
- Automotive servicing
- Bread and pastry production
- Computer systems servicing
- Cookery
- Dressmaking
- Electrical installation and maintenance
- Electronic products assembly and servicing
- Refrigeration and air-conditioning servicing
- Shielded metal and gas tungsten arc welding
- Visual graphic design
Parte ng Universal Access to Quality Tertiary Education ang libreng pag-aaral sa mga accredited TVET schools. P3.9 bilyon ang budget na ibinigay ng gobyerno para sa proyekto.