Mga volunteers at guro na magsisilbi sa 2022 elections, pinag-aaralan nang isama sa priority list ng mababakunahan

Pag-aaralan ng Department of Health (DOH) na maihanay na rin sa COVID-19 priority list ang mga menor de edad at mga guro na magsisilbi sa eleskyon.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, ikokondisera ito depende sa dami ng dumadating na COVID-19 vaccine sa bansa.

Gayundin ang matatag na supply para matugunan ang malaking populasyon na taget na mabakunahan.


Una nang pinayagan ng US Food and Drug Administration ang pagtuturok ng Pfizer COVID-19 vaccines sa mga edad 12 hanggang 15 taong gulang.

Facebook Comments