Mga yate at non-common carriers, dadaan na sa inspeksyon ng PCG

Sasailalim na sa pre-departure inspection ang mga yate at non-common carrier na pribadong pagmamay-ari matapos na matuklasang nakatakas si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sakay ng yate ng isang Chinese national na tumulong sa kanya.

Ito ay matapos tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Philippine Coast Guard (PCG) kung dapat bang i-intercept ng mga tauhan ang mga yate, barko at bangkang sinakyan ni Guo at mga kasamahan matapos pumuslit ng bansa noong Hulyo.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na nirerepaso na ngayon ang memorandum circular upang ang mga yate at lahat ng non-common carrier na pribado ay dadaan na rin sa inspeksyon tulad ng mga common carrier o mga barkong pampasahero o kargamento.


Target na tapusin ang review at revision sa Oktubre at kasalukuyan na rin silang nakikipagugnayan sa Maritime Industry Authority (MARINA).

Dagdag ni Gavan, maaari nilang isama sa patakaran ang pag-iinspeksyon sa mga yate at non-common carrier kahit walang bagong batas.

Facebook Comments