MIAA at LGUs, sinuyod ang mga iligal na nakaparadang sasakyan sa domestic road

Muling nagsagawa ng operasyon ang Manila International Airport Authority (MIAA), at Local Government Units (LGUs) laban sa mga sasakyan na iligal na nakaparada sa Domestic Road malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Kabilang sa nahuli ng MIAA Landside Police Division ang ilang delivery trucks at E-Trikes.

Tiniyak naman ng MIAA na magpapatuloy ang kanilang clearing operations para ma-decongest ang traffic sa lugar.


Target din ng operasyon ang mga kolorum na sasakyan sa airport.

Facebook Comments