PBBM, abroad na naman sa susunod na linggo

Biyaheng Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na linggo, kasunod ng biyahe nito sa Brunei para sa isang state visit.

Inaasahang lalahok ang pangulo sa International Institute for Strategic Studies Shangri-la Dialogue 2024 sa Singapore pagkatapos ng biyahe nito sa Brunei.

Kaugnay nito ay pinayuhan naman ni Health Secretary Ted Herbosa si Pangulong Marcos at ang delegasyon nito na umiwas sa matataong lugar sa Singapore.


Ito ay dahil mataas ang kaso ng COVID-19 Flirt variant sa naturang bansa.

Gayunpaman, kumpiyansa si Herbosa na hindi hahayaan ng security team ng pangulo na ma-expose ito sa maraming tao ang pangulo at sisiguruhin ang proteksyon nito laban sa COVID-19.

Matatandaang dalawang beses nang tinamaan ng COVID-19 si Pangulong Marcos kaya naman mahigpit itong pinag-iingat ngayon.

Facebook Comments