MIAA, humingi ng paunanhin para sa mga pasaherong apektado ng ipinatupad na no fly zone dahil sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Nag-sorry ang Manila International Airport Authority sa lahat ng mga pasaherong apektado ng pinaiiral na no-fly zone dahil sa pagdating at pag-alis ng mga heads of state sa nagpapatuloy na ASEAN Summit.

Umapela rin si MIAA General Manager Ed Monreal sa mga pasahero ng konting tiis at pang-unawa.

Sa Biyernes, kumpirmadong kumpleto na ang lahat ng mga lider ng ASEAN member states.


Kasabay nito, nagpaalala naman ang ilang airlines sa bansa sa posibleng delay ng mga flights dahil na rin sa ipinatutupad na no-fly zone.

Nabatid na nasa 86 na flights ang posibleng maapektuhan hanggang sa tuluyang makauwi ang mga delegado sa April 30.

Ang no-fly zone, maginga ng no-sail zone ay ipinatutupad para tiyakin ang seguridad ng lahat ng mga delegadong dadalo sa ASEAN Summit.

Simula bukas, asahan na rin ang mas mahigpit na seguridad sa buong Metro Manila kasunod ng pagdating ng iba pang ASEAN leaders.

Facebook Comments