MIAA, may mahigpit na direktiba sa airline companies kaugnay ng nalalapit ng undas

Mahigpit na pina-alalahanan ng Manila International Airport Authority ang mga airlines na iwasang idaan sa self check in sa mga kiosks ang mga pasaherong sasakay ng eroplano sa nalalapit na undas.

 

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na mas makabubuting ipaderetso na ang mga pasahero sa check-in counters para hindi na humaba ang proseso at maiwasan ang mahabang pila.

 

Dapat din aniya iwasan ang paulit ulit na paging announcements na hindi na kaaya aya sa pandinig.


 

Pinahihintulutan naman ng MIAA ang mahigpit na prosesong pinaiiral ng airlines sa kanilang international flights lalo na ang direct flights sa Amerika at Australia.

 

Nanawagan naman si Monreal sa mga pasahero na dumating sa NAIA, tatlong oras bago ang kanilang flight para sa international flights at dalawang oras sa domestic flights.

 

Una nang pinulong ni Monreal ang airline companies para plantsahin ang paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero sa paliparan sa susunod na linggo.

Facebook Comments