PRRD, ‘di na tatapusin ang official visit sa Japan; uuwi na mamayang gabi ayon sa Palasyo

Inanunsyo ng Malacañang na puputulin na ni PRRD ang official visit nito sa Japan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, uuwi na ang Pangulo mamayang gabi dahil sa sakit na nararamdaman sa likod partikular na sa spinal column nito dulot ng pagkakadisgrasya sa motor noong nakaraang linggo.

Pagdating sa bansa, kaagad umanong kokonsulta ang pangulo sa neurologist nito bukas.


Dahil hindi makadadalo as emperor’s banquet mamaya, kakatawanin siya ni presidential daughter Sara Duterte Carpio sa nasabing pagtitipon.

Gayunman, nilinaw ng Palasyo na nakadalo sa Enthronement Ceremony ni Japanese Emperor Naruhito kanina ang Pangulo.

Facebook Comments