Tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), na may contingency plans silang inihahanda kaugnay sa nalalapit na rehabilitasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex.
Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MIAA OIC Bryan Co na hindi maiaalis na may mangyayaring abala sa operasyon ng buong NAIA complex kapag sinimulan na ang rehabilitation project.
Ngunit, titiyakin aniya nila na magpapatuloy pa rin ang operasyon sa mga paliparan sa kabila ng mga gagawing construction activities sa NAIA.
Ilan parte aniya ng NAIA ay rehabilitation program ang maaaring unahing gawin nang mabilis.
Inaasahang sa 2nd half ng susunod na taon ay mai-tu-turn over na sa mananalo sa bidding ang operasyon ng NAIA complex upang maipagpatuloy ang operasyon kasabay ng rehabilitasyon.
Hanggang December 27 ang deadline para makabili ng bidding documents.
Sa ngayon, mayroon nang 8 grupo ang naghayag ng interes na makakuha sa kontrata para sa proyekto.
Malalaman aniya sa 1st quarter ng susunod na taon kung sino o anong grupo nai-award ang proyekto.