Miami Heat, may dalawang magkasunod na panalo na vs Boston Celtics

45

Nasungkit ng Miami Heat ang kanilang pangalawang sunod na panalo kontra Boston Celtics sa best-of-seven series sa Eastern Conference Finals ng NBA.

Nanalo ang Miami sa score na 106-101 kung saan nanguna sa panalo ng Heat si Goran Dragic na mayroong 25-points.

Unang natambakan ang Miami ng 17-points sa second quarter pero agad din nila itong nahabol at pagsapit ng third quarter ay hindi na nila hinayaan pa na makalamang ang Celtics hanggang sa nakuha ang panalo.

Dahil dito, dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Heat para makabalik sa finals na huli nilang naranasan noong 2014 NBA season.

Facebook Comments