MIC, maaaring lumahok sa mga proyekto ng GOCCS; paggamit sa pondo ng mga GOCCS, hindi pwede ayon kay Sen. Joel Villanueva

Maaari umanong lumahok ang Maharlika Investment Corporation (MIC) sa mga proyekto ng mga government-owned and-controlled corporations o GOCCs gaya ng Government Service Insurance System (GSIS) pero ang mga GOCCs ay hindi maaaring gamitin ang kanilang pondo sa Maharlika projects.

Ginawa ang paglilinaw na ito sa gitna ng pagkabahala ng marami sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring i-subscribe o gamitin ang pondo ng Social Security System (SSS) at GSIS sa mga proyekto ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Ayon kay Villanueva, kung ang Maharlika ang gustong makilahok at gastusan ang mga proyekto ng GSIS ito ay pupwede at maaari itong gawin sa isang joint venture na proyekto na aprubado ng National Economic Development Authority (NEDA).


Pero aniya, kung ang GSIS ang pupunta sa Maharlika at gagamitin ang pension funds para sa proyekto ng korporasyon ay ibang usapan na aniya ito.

Ang pagbabawal sa paggamit sa pondo ng anumang insurance o health institutions ay mahigpit na ipinagbabawal at malinaw na nakasaad sa Section 6 at Section 12 ng MIF.

Para na rin sa kapanatagan sa paggamit ng pondo ng taumbayan ay tiniyak ni Villanueva ang mahigpit na pagbabantay ng Senado sa Maharlika Investment Fund (MIF) oras na ito ay maging ganap na batas.

Titiyakin din ng Senado na ang ilalatag na implementing rules and regulations o IRR ay susunod sa posisyon ng mga miyembro ng Kongreso.

Facebook Comments