Isang kongresista, may hamon kina newly appointed Secretaries Teodoro at Herbosa

Hinamon ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sina newly appointed Defense Secretary Atty. Gilbert Teodoro at Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa na agad simulan ang puspusang pagtatrabaho at pagtuunan kung ano ang kailangan ng mamamayang Pilipino mula sa kanila mga departamento.

Giit ni Castro sa Department of National Defense (DND), higit na tutukan ang external aggression kaugnay sa tumitinding tension sa West Philippine Sea (WPS) at Taiwan Strait bunga ng mga aksyon ng China.

Diin ni Castro, maituturing ding mahusay na hakbang kung muling magpapatawag si Secretary Teodoro ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines o NDFP para maka-focus ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga banta sa ating soberenya.


Umaasa naman si Castro na sinserong maglilingkod si Dr. Herbosa para sa kapakanan at kalusugan ng taumbayan at hindi makikilahok sa red-tagging o trolling.

Facebook Comments