Muling nagkabakbakan ang mga sundalo at miyembro ng Isis nspired group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa lalawigan ng Msguindanao.
Ayon sa pahayag ni 6th Infantry Division Spokesman at DPAO Chief Army Capt.Arvin Encinas , isang miyembro ng BIFF ang napatay sa naganap na engkwentro sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao pasafo alas-3:00 ng madaling araw kahapon araw ng Biyernes.
Nauwi sa bakbakan ang ginawang pagharang ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion sa grupo ni BIFF leader Esmael Abdulmalik alyas Abu Torayfe, na papalabas na sana sa naturang bayan.
Nai-turn over naman sa mga opisyal ng barangay ang bangkay ng BIFF member para agad na ito ay mailibing.
Mapalad namang walang nasaktan sa hanay ng gobyerno sa naganap na engkwentro.
Matagal nang tinatarget ng militar ang grupo ni Torayfe na responsable sa mga pag atake sa mga detachment ng militar.(Amer Sinsuat)
Miembto ng BIFF patay sa enkuwentro sa Maguindanao
Facebook Comments