Mikee Romero, gustong mag-file ng “Eddie Garcia Law”

84
via RMN Files

Ipinahayag ni Mikee Romero, representative ng Pacman Partylist at stepson ni Eddie Garcia, na gusto niyang mag-file ng bill na naglalayong maprotektahan ang kalusugan ng mga aktor sa taping o set.

Ang bill na ito ay tatawaging “Eddie Garcia Law” upang mapangalagaan ang mga aktor at maiangat ang safety and health standards habang nagta-taping o set sila.


Sinabi niya ito noong Lunes na ipapasa nila ang bill kapag nagbukas na ang 18th Congress sa Hulyo.

Sa ilalim ng bill na ito, magkakaroon ng medical and safety procedures at “safety officers” sakaling magkaroon ng emergency habang nasa taping.

Dagdag niya, layunin din ng bill na 8 hanggang 12 na oras lamang ang nakatandang working hours para sa mga aktor, depende pa sa kanilang edad.

Natapilok si Garcia noong Hunyo 8 sa isang kable na naging sanhi ng kaniyang comatose at binawian ng buhay noong Hunyo 20.

Facebook Comments

From Advertisers