Mild surge ng COVID-19 ngayong July, ibinabala ng isang health expert

Nagbabala ngayon ang health advocate na si Dr. Anthony Leachon sa posibilidad na pagtama ng mild surge ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan ng Hulyo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Leachon na nagkakaroon ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 dahil sa mga variant ng Omicron, vaccine waning immunity at paglabag ng publiko sa public health protocols.

Bagama’t mild lang ang mga naitatalang kaso, nababahala si Leachon dahil posibleng magkaroon ng Long COVID-19 Syndrome ang mga tinatamaan ng virus at sa kalaunan ay makaapekto sa ekonomiya.


Bunsod nito, isa sa nakikitang paraan ni leachon upang hindi muling magkaroon ng COVID-19 surge ay ang pagpapaigting sa pagpapabakuna at booster shot.

Sa ngayon ay nasa 15-million pa lang ang nakakapagpa-booster mula sa 70-million na fully vaccinated individuals.

Facebook Comments