Pinabibilisan na ng gobyerno ang normalization efforts para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Kabilang na rito ang decommissioning ng 12,000 fighters ng MILF.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – 12,000 combatants ang inaasahang isusuko ang kanilang armas.
Makakatanggap pa aniya ang mga ito at kanilang pamilya ng tulong partikular sa housing, livelihood assistance, skills development training, scholarships, employment opportunities, PhilHealth coverage, conditional cash transfers at documentation tulad ng birth certificates at postal IDs.
Dagdag pa ni Nograles – ang gobyerno ay nasa ‘phase two’ sa decommissioning ng MILF forces.
Inaasahang matatapos naman ang phase 3 sa susunod na taon at ang mga natitirang MILF forces ay made-decommissioned bago mapirmahan ang exit agreement sa 2022.