Sa unang pagkakataon ay gagamitin ng mga tropa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang karapatang makaboto ngayong May 9, 2022.
Ito ay ayon kay Coordinating Committees on the Cessation of Hostiles (CCCH) governing panel chairman Brigadier General Antonio Nafarrete kung saan lumagda ang gobyerno, mga opisyal ng MILF maging ang International Monitoring Team (IMT) at ang Commission on Elections sa panuntunan para sa ceasefre0related functions para sa halalan.
Sa ilalim nito ay papayagan silang makaboto sa May 9 sa ilang mga kundisyon:
– Susunod sila sa ceasefire protocols ayon sa operational guidelines ng Agreement on General Cessation of Hostilities of 1997
– Hindi gagawa ng anumang karahasan o pang-uudyok na posibleng maghudyat ng gulo sa MILF, sibilyan o kaya ng government security forces
– Mananatiling neutral sa lahat ng oras
Ayon kay MILF CCCH Chairman Butch Malang na ang aprubadong guidelines ay naipadala na sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamid Armed Forces (BIAF) para sa istriktong pagsunod nito.
Inamin naman ni Malang na excited sila na makaboto sa May 9 elections dahil ito ang unang pagkakataon nilang magamit ang karapatang ihalal an glider na gusto nila.