OFW Hospital, magsisimula na ang operasyon bukas, May 2 ayon sa DOLE

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magsisimula na ang operasyon ng Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital bukas, May 2.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na ang naturang ospital na itinayo sa San Fernando, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ang kanilang mga dependents.

Itinayo rin ang Malasakit Center at Overseas Workers Welfare Administration desk sa ospital upang asistehin ang mga OFWs.


Pangungunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inspeksyon ng naturang pagamutan ngayong araw.

Facebook Comments