Moonsighting event, isasagawa ng mga Bangsamoro religious leaders ngayong araw

28

Isasagawa ngayong araw nina Grand Mufti ng Bangsamoro Sheikh Abu Huraira Udasan at ilang religious scholars ang moonsighting event upang malaman kung kalian ipagdiriwang ang Eid’l Fitr.

Batay sa anunsyo ng Bangsamoro Government, magsisimula ang coverage mamayang 5:45 ng hapon at mapapanood ito sa kanilang official Facebook page.

Mababatid na nagsimula ang buwan ng Ramadan noong April 3 kung saan nagsasagawa sila ng spiritual reflection sa pamamagitan ng pagdadasal, hindi pagkain sa piling oras at pag-iwas sa mga makasalanang Gawain.


Matapos ang Ramadan ay ang Eid’l Fitr holiday kung saan ipinagdiriwang sa Islam ng tatlong araw matapos ang naturang banal na buwan.

Facebook Comments