Militanteng Grupo, kinundena ang 1k budget ng CHR

Manila, Philippines – Kinukondena ng Movement Against Tyranny ang inaprubahang 1 libong pisong budget para sa Commission on Human Rights (CHR) para sa 2018.

Sa official statement sinabi ng grupo na ang hakbang na ito ay malinaw na nagpapahiwatig na hindi kukunsintihin ng administrasyong Duterte ang mga bumabatikos dito partikular sa giyera sa iligal na droga at krimen.

Ayon sa grupo, ang budget na ito ay isang insulto. Ni hindi anila ito makakabili ng bond paper na magagamit ng ahensya para sa isang buong linggo.


Kaugnay nito, umaapela sila sa Senado na gumawa ng aksyon at baguhin ito para magampanan ng Commission on Human Rights ang kanilang tungkulin, bilang watchdog at taga-protekta ng civil at human rights.

Facebook Comments