Militanteng grupo na Anakbayan, nanawagan sa gobyerno na palayain ng tinaguriang The Tacloban 5

Kinokondena ng Anakbayan ang pagkaaresto ng limang kasama nila sa grupo na nakabase sa Tacloban City, Leyte.

Ayon kay Al Omaga, Anakbayan Media Liaison, na palayain at ibasura ang mga kaso isinampa laban sa mga kasama nila, dahil wala naman aniya itong basehan.

Itinanggi niya ang mga nakuhang ebidensya ng mga otoridad tulad ng mga baril, bala at iba pang explosive materials, aniya hindi nila ito pagmamayari at maaari daw na itinanim lang ang mga ito.


Dahil dito, naniniwala si Omaga na nabubuhay muli ang Batas Militar sa Administrasyong Duterte, dahil aniya mayroon din ilang mga militanteng grupo ang nakararanas ng panggigipit mula ng gobyerno.

Kamakailan, ni-raid ng mga otoridad ang bahay nina Mira Legion ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Eastern Visayas; Marielle Domequil ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP); Alexander Abinguna ng human rights group KARAPATAN-EV; Marissa Cabaljao ng People’s Surge; at ang mamamahayag na si Frenchiemae Cumpio ng Eastern Vista, at tinatawag sila ngayon na “The Tacloban 5”.

Facebook Comments